Julio Diaz nakakulong pa rin dahil sa ilegal na droga; ayaw bigyan ng pampiyansa ni Coco


SPEAKING of FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin, patuloy pa rin pala ang pagbibigay niya ng suportang pinansyal para sa medical needs ng aktor na si Julio Diaz na kasalukuyang nakapiit dahil sa ilegal na droga.

Pwedeng magpiyansa si Julio para makalaya pansamantala pero kapos siya sa pera. Gusto man siyang ayudahan ng mga kasamahan sa industriya pero nanaig ang pagtitiis na ‘wag siyang tulungan para magsisi at maturuan ng leksyon.

Habang nasa piitan ay nagkaroon din ng sakit sa balat si Julio na karaniwang nakukuha ng mga preso sa kulungan.

Nagpadala si Coco ng tulong pang-medikal kay Julio. Pero ‘di ang halagang kailangan na pampyansa.

After eight months, may nakita naman daw na pagbabago kay Julio. Naging malapit daw ito sa Diyos at nagsimula nang magbasa ng Bibliya. At may mga pagkakataon na nagpi-preach pa raw ang aktor sa ibang inmates.

Hopeful naman daw si Julio na mabubuo muli ang kanyang pamilya pagkatapos siyang dalawin ng kanyang ex-wife na si Maricel na dating flight attendant at anak ng veteran actress na si Marita Zobel.

Kasamang dumalaw ni Maricel ang anak nila ni Julio na si Kari.

Read more...