#Pasabog sa 2019: Ai Ai naghubo’t hubad ala-JLo, may bitbit pang mga longganisa


TINOTOO ni Ai Ai delas Alas ang kanyang pramis na kakabugin ang Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez. Talagang ginaya ng Comedy Queen ang picture ng idolo na tanging tela lang ang itinakip sa katawan.

Sa latest picture niya sa Instagram, kinopya ni Ai Ai ang halos hubad pose ni J-Lo pero kulay pula naman ang telang ipinantakip niya sa harapang bahagi ng kanyang katawan (green ang kay J-Lo).

“Dahil nag-promise ako na gagayahin ko to…eto na siya…sa pa boom sa 2019! #feelingeralang #memagawalang #pagoodvibeslan #emeemelandilang #ayokongmagpatalokayjlo,” caption ni Ai na pinangalanan ang sarili na “THE REAL JLO—NGANISA” dahil nga literal siyang may hawak-hawak na isang taling longganisa.

Eh, may follower siya na nagtanong kung totoo ba ‘yung picture. Buong pagmamalaki niyang sinabi na, “Totoo ‘yan! Hahaha! Happy New Year sa ‘yo!”

Hindi naman kasi nakapagtataka kung ganyan kapayat ngayon ang Comedy Queen dahil ilang taon na rin kasing puro organic food ang kinakain niya.

Pasabog din ang 2019 ni Ai Ai dahil tatlong movies ang ginagawa niya ngayon – “Feelenials,” “Kambal Kanabal” at “Sons Of Sabel.”

Read more...