Hunk actor nabuking ang kabadingan dahil sa kutsara


MATAGAL nang pinag-uusapan nang pabulong ang kalansahan ng isang hunk actor na mahilig maglabas ng kanyang mga pictures nang nakahubad-hubad.

Nu’n pa kumawag ang dila ng mga miron dahil ‘yun kuno ang paraan ng hunk actor para palabasing lalaking-lalaki siya at puwedeng pagkaguluhan ng mga kababaihan.

Kuwento ng aming source, “Ganu’n ang drama niya para kunwari, e, machung-macho siya. Palagi siyang naglalabas ng mga abs niya, pinalalaki pa niya ang mga muscles niya sa mga pictures na inilalabas niya sa mismong account niya.

“Pero ang totoo, e, minumura ng malaking salamin niya sa bedroom niya ang hunk actor na ‘yun. Kung nakapagsasalita lang ang mirror, e, siguradong sisigawan siya at sasabihang magtigil siya!

“Baka nga pangaralan siya ng salamin, ang sasabihin sa kanya, ‘Mahiya ka sa mukha mo! Magtigil ka na, dahil ang gusto mo lang namang makuhang atensiyon, e, mula sa mga kalalakihan!’

“Ganu’n mismo ang isisigaw sa kanya ng salamin niya, kasi nga, hindi naman siya totoong mhin, ‘yun ang hanap niya!” umpisang kuwento ng aming source.

Sa maraming pagkakataon ay nahuhuli ng kanyang mga katrabaho ang hunk actor na lumalambot ang kilos kapag wala na siya sa harap ng mga camera.

“Nu’ng minsang lunch break nila, e, nahulog ang kutsara niya. Simple lang ang tunay na lalaki kapag ganu’n ang nangyari, di ba? Dadamputin lang niya ang kutsarang nahulog, papapalitan lang niya, ganu’n lang.

“Pero itong si ____ (pangalan ng hunk actor), e, parang nakakita ng multo! Gulat na gulat siya! Natural, mas nagulat kesa sa kanya ang mga kaharap niya!

“Nahulog lang ang kutsara niya, e, ganu’n na ang reaction niya, ano ito? Ano ba namang basta pinulot na lang niya ‘yun, pinunasan niya na lang kung hindi naman siya maselan, di ba?

“Kumakalas nga sa maraming pagkakataon ang kamachuhan niya, sa totoo lang, kaya kung tatanungin natin, e, ang mga nakakakilala sa kanya, all for show lang ang mga pictures niya na kitang-kita ang mga muscles at abs niya!

“Nakakaloka siya! Machung-macho pa naman ang nasa name niya, bruskong-brusko siya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo siya, hindi n’yo na siya kailangan pang ipagtanong kay Aling Gloria!

Read more...