Horoscope, January 06, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Araw-araw gumising ng maaga at isulat sa papel ang schedule na dapat tapusin, sa isang buong linggo at sa isang buwan. Sa ganyang paraan, sistematiko ang bawat kilos, sa taong ito ng 2019 mas madali kang magtatagumpay at malayo ang iyong mararating. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Silver at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ito ang araw na sadyang laan sa iyo. Bukas ang bintana ng langit upang magsabog ng mga biyaya sa lupa. Pagkakataong mo ng humiling ng kahit na ano at tiyak na ito ay matutupad at magkakatotoo ngayong taong ito ng 2019. Sa pag-ibig, mainit at suwerteng hatid ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa panahong ito na nagsisimula pa lamang ang Bagong Taon, lalo kang susuwertehin kung magsusuot ng damit na kulay pula. Sa pag-ibig, dahil sa kulay na pula, isang buong linggong aani ng masarap at maligayang romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Isama sa iyong plano ang kumilos ng kumilos at mag-exercise ng regular araw-araw sa buong taong ito ng 2019. Kapag nagawa mo iyan, mas madaling lalago ang kabuhayan, at sa pag-ibig mas lalong sisigla ang romansa habang papalapit na ng papalapit ang buwan ng Pebrero. Mapalad ang 5, 9, 14, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Gray at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Huwag hayaang lumayo ang kasuyong Scorpio, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung wala siya. Hanggat may panahon pa habulin at pabalikin mo na siya. Oo, sa taong ito ng 2019 nasa kanya ang ang iyong suwerte at ligaya. Mapalad ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahme-Neva-Om.” Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Ito ang panahon upang simulan ang pagpapatawad. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa kapamilyang nangangailangan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Dahil mabilis na naubos ang pera nitong nakaraang Holiday Season, panahon na upang iwasang magtapon ng salapi sa mga walang kabuluhang bagay. Sa pag-ibig, hikayatin din ang kasuyo na magtipid-tipid muna. Mapalad ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Brahma-Aum-Namah.” Violet at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Huwag makipag-landian sa iba, may babala ng tukso at pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa pinansiyal, wag ubusin ang pera sa pagbo-blow-out, magtabi ng salapi para sa pang-Valentine date. Mapalad ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Yellow at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa taong ito ng 2019 may bagong pag-ibig na darating hatid ng isang nilalang na isinilang sa buwan ng Hulyo. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid, pero bakit hindi mo magawa – simulan mo na kasi ngayon! Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito wag makibarkada sa mga taong walang pera mauutangan ka lang nila. Piliin ang mga kaibigang mayayaman, upang maambunan ka nila ng grasya at suwerte. Sa pag-ibig, iwasan ang mga pangit sa halip piliin silang magaganda. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” White at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi ka yayaman sa sariling bayan. Upang umunlad at lumigaya maghanap ng pagkakakitaan sa malayong pook. Mapalad ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi mabuti ang sobrang galante. Kapag ganyan ang iyong ugali, hindi ka yayaman. Upang masolusyunan, ang pagiging bulaksak, mag-hanap ng kuripot na asawa. Sa ganyang paraan mas madaling uunlad ang inyong pamilya. Mapalad ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mag-display ng aquarium sa entrada ng bahay ngayong 2019. Lagyan ng 8 isdang pula at isang isdang itim, puwede ding: 8 isdang itim at isang isdang pula. Kapag nagawa mo yan, susuwertehin ka sa pag-ibig at sa materyal na bagay sa buong taong ito ng 2019. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Red at black ang buenas.

Read more...