Yam Concepcion itinatago nga ba sa bf ang pagiging kabit sa Halik?


HANGGANG ngayon pala ay wala pang idea ang boyfriend ni Yam Concepcion na si Miguel CuUnjieng ang pinaggagagawa niya sa teleseryeng Halik ng ABS-CBN.

Napakalaki ng nagawa ng nasabing serye sa showbiz career ni Yam dahil mas marami na ang nakakakilala ngayon sa kanya, bukod pa sa magagandang feedback na natatanggap niya mula sa mga manonood.

Ilang beses nang nag-viral ang mga eksena nila nina Sam Milby, Jericho Rosales at Yen Santos sa Halik kaya naman patuloy itong namamayagpag sa ratings game. Kilalang-kilala na siya ngayon ng mga tao bilang si Jade Bartolome, ang role niya sa Halik na kinaiinisan talaga ng televiewers.

Sabi nga sa isang panayam ng aktres, sanay na siya ngayong tinatawag na “Jade Ahas” dahil nga sa karakter niya sa Kapamilya series.

“Sobra-sobrang pagbabago, it opened so many doors for me, I might do a movie this January start kami mag-shoot under VIVA. Definitely that’s something to look forward to this coming year. I’m so happy, and blessed because of Halik,” pahayag ni Yam sa panayam ng Push.com.

Nang kumustahin naman kung ano ang reaksyon ng kanyang boyfriend na si Miguel na naka-base ngayon sa ibang bansa, “Naku, he doesn’t really know about this yet, I don’t know how he will find out, we’ll see.”

Read more...