LJ Reyes nanganak na sa panganay nila ni Paolo


IPINANGANAK na ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang anak nila ni Paolo Contis last Jan. 4.

Si Paolo ang naglabas ng good news sa kanyang Instagram account. Isang litrato ng orasan ang kanyang ipinost sa IG na may oras na 4:56 p.m. na siyang eksaktong time na nanganak ang kanyang partner.

Ang pangalan ng anak nila ay Summer Ayana. Ilan sa mga celebrities na bumati kina LJ at Paolo ay sina Archie Alemania, Kaye Abad at Gina Alajar.

Second baby ni LJ si Summer (ang unang anak niyang si Aki ay kay Paulo Avelino) habang may dalawang anak naman si Paolo sa una niyang partner na dating member ng EB Babes, si Lian Paz.

Sa comment section ng IG post ni Paolo ay nagtanong ang fashion stylist na si JP Dizon kung totoong nanganak na si LJ na sinagot naman ng Kapuso actor ng, “Koraaak!”

Narito ang ilan sa mga followers ni Paolo na bumati sa pagiging tatay niya uli.

“Ipinapaabot ko ang aking isang petmalung CONGRATS! MGA LODI STAY SAFE AND BLESSED!” pagbati ni @jhayciegonzales.

Comment ni @descendantsoftheword, “Congratulations to both of you! God Bless you.”

May payo naman si @jomengsars09, “Congrats. Hindi sa nakikialam, I know everyone’s excited to see your little one and check on LJ’s condition, pero as much as possible avoid visitation muna for 2-3weeks, for your child’s health and LJ’s recovery period. Enjoy this precious time with your new bundle of joy! God bless!”

Read more...