Andrea Brillantes mag-aalaga ng totoong baboy ngayong 2019


DAHIL Year of the Pig nga nga-yong 2019, naniniwala ang Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes na swerte ang magkaroon ng alagang baboy.

Sa kanyang Instagram post recently, nag-share si Andrea ng ilang litrato ng kanyang bagong pet – isang biik na pinangalanan niyang Lily.

“Year of the pig with my sexy Lily!” ang caption ng young actress sa kanyang IG photo kung saan makikitang karga-karga pa niya ang maliit na baboy na parang baby.

Sunud-sunod naman ang mga comments ng kanyang IG followers na cute na cute sa kanyang bagong pet pig. Isa na nga riyan ang aktor na si Joross Gamboa na nagsabing, “Alagaan mo siyang mabuti at palusogin para masaya kayo sa salubong ng 2020.”

Comment naman ni @karenah_chvz, “So cutie! May ganyan din ako alaga when was still in my high school days. tabi ko sya mag sleep!”

“Hahaha! Pakainin mo po ng Pre-stater yang pet nyo idol,” sey ni @kennetheugenekandt.

Biro naman ni @chrispypata, “May pang-noche buena na dis year!”

Read more...