Sarah, Matteo engaged na, may ‘resibo’ raw na bonggang singsing


MULING  umugong ang chika na engaged na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ito’y matapos kumalat ang litrato ng Pop Royalty na may suot na singsing na may malaking bato.

Marami raw ang nakapansin sa singsing na ito ni Sarah na suot niya sa launch ng ASAP Natin ‘To. Ayon sa fans ng dalawang Kapamilya stars, sana nga raw ay totoong engaged na ang kanilang mga idolo dahil naniniwala silang sila’y meant for each other.

Actualy, hindi ito ang unang pagkakataon na mapabalitang nag-propose na si Matteo kay Sarah. Kung matatandaan, may chikang naganap daw ang engagement nila nu’ng magpunta ang dalaga sa Cebu bago mag-Pasko kung saan nakilala niya ang pamilya ni Matteo.

Read more...