Julia nasa Germany para itago ang pagbubuntis?


MARIING pinabulaanan ni Julia Montes ang tsismis na siya’y nagdadalang-tao.

Ayon sa chikang kumakalat sa social media, si Coco Martin daw ang ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. Ito raw ang dahilan kung bakit biglang lumipad patungong Germany ang aktres kung saan nakatira ang kanyang ama.

Mas lalo pang uminit ang issue nang hindi nagpakita si Julia sa ilang holiday events ng ABS-CBN kabilang na ang Christmas special ng network.

Pero sa ulat nga ng ABS-CBN, fake news daw ito at hindi totoong nabuntis ni Coco ang kanyang rumored girlfriend. Ayon sa talent manager ni Julia na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Management, totoong nasa Germany ang aktres para doon mag-celebrate ng holidays pero hindi raw ito buntis.

Narito ang text message ni Erickson sa ABS-CBN, “She heard about it too and we called her when people were asking us, pero hindi talaga totoo.”

Nagsimula lang ang chikang ito sa blind item matapos ngang lumipad patungong Europe ang dalaga.

Read more...