Wyn Marquez: Laki pa rin ng problema ng iba sa height ko

WINWYN MARQUEZ

SINAGOT ni Wyn Marquez ang isang basher na nanglait sa kanyang height. Sana raw ay mag-move on na ang mga ito at magbago na ngayong 2019.

Ilang netizens pa rin daw kasi ang patuloy na nangnenega sa pagkapanalo niya bilang first Reina Hispanoamericana noong 2017, lalo na ang kanyang height.

Sabi ni Wyn sa kanyang Instagram post, “Laki padin ng problema ng iba sa height ko. Hindi ba kayo maka move on? 2019 na. Ako lang ba 5’6 na sumali sa pageant world? Yung totoo.”

Kinampihan naman ng maraming netizens si Wyn.

Read more...