Jasmine Curtis sumobra ang kapayatan; bikini photo inokray


VIRAL ngayon sa social media ang litrato ni Jasmine Curtis kung saan ibinandera nito ang kanyang super payat na katawan.

Iba’t iba ang komento ng mga netizens nang makita nila ang Instagram photo ng dalaga, may nagandahan at naseksihan sa kanya pero marami rin ang nag-comment na sumobra na ang kanyang kapayatan at para na siyang may sakit.

Sa unang bikini photo ni Jasmine na kuha sa beach ng Lorne, Victoria, Australia, mismong ang kanyang kapatid na si Anne Curtis ang nagkomento at pinuri ang figure ngayon ng sisteraka.

“OMG! Extra pretty and (fire emojis),” ani Anne.

Sa ikalawang IG photo ni Jasmine kung saan nakasuot siya ng peach-colored swimsuit at kitang-kita ang kanyang halos hubad nang katawan, muling nag-comment si Anne ng “I love you and I love your body!” na sinagot naman ni Jasmine ng “I LOVE YOU SESTRA!”

Narito naman ang ilang reaksyon ng mga followers ni Jasmine sa IG. Sey ni @charlenebranzuela, “Wow, love that body ate jas!!! You look so damn beautiful. Happy New Year.”

Chika naman ni @art.of.jeremygrabe, “Super skinny. How to be you po?”

“Bat ang payat nya di bagay,” komento ni @josephineanna176.

“JOIN BINIBINING PILIPINAS 2019 @jascurtissmith, sure winner!” ang sey naman ni @herminia.sagmit.

Comment naman ni @princess_shy1209, “Oh em @jascurtissmith I really admire you. Hope I can do that also andaming manlalait eh. Maybe i’ll try to love my own curves. Ansakit kasi pag negative ung sinasabi.”

Read more...