Maymay may pasabog na paandar, awra kung awra


WAGI sa mga netizens at MayWard fans ang bagong paandar ni PBB Lucky Season 7 big winner na si Maymay Entrata.

Nag-post kasi ng mga pampa-good vibes photos ang dalaga sa kanyang Instagram kung saan ibinandera niya ang kanyang galing sa pagpo-project. Ngunit ang talagang ikinaaliw ng kanyang fans ay ang mga caption sa bawat snapshot.

Ilan sa mga ito ay ang “Malungkot pero pose pa rin”, “Nagpapahinga pose”, “Makati ang mata pero pose pa rin”, “Inaantok pero pose pa rin”, “Nasisilawan pose” at ang nakakalokang “Pake ko sayo pose.”

Read more...