Banta kay Thea: Sasabunutan at sasampalin kita!


PATULOY namang kinaiinisan ngayon ng mga Kapuso viewers si Thea Tolentino o mas kilala bilang si Venus ng seryeng Asawa Ko, Karibal Ko.

Habang tumatagal kasi, mas lumalala pa ang kasamaan nito pati na ang pagsisinungaling tungkol sa kanyang tunay na pagkatao – ang pagiging transgender.

Ginagawa niya ang lahat para patuloy na maitago ang sikreto sa lalaking kinababaliwan, si Gavin (Rayver Cruz). Kaya naman ang avid followers ng AKKK ay talagang galit na galit na sa kanya at gusto na siyang saktan. May netizen pa nga na nagbantang sasabunutan at sasampalin niya kapag nagkrus ang landas nila.

Pero worry no more, dahil mukhang nais ng ex-boyfriend ni Venus na si Daniel (Matthias Rhoads) na malaman ni Gavin kung sino talaga siya. Magtagumpay kaya si Daniel?

Magkainlaban kayang muli sina Rachel (Kris Bernal) at Gavin kapag nalaman na ng huli ang sikreto ng babaeng kanyang kinakasama? Tutok lang sa Asawa Ko, Karibal Ko na napapanood sa GMA after Eat Bulaga.

Read more...