Sanya parang may gripo ng luha sa mata kapag umiyak

SANYA LOPEZ

SA pagsilip-silip namin sa katapat na programa ng Ang Probinsyano kapag commercial ay may nang-agaw ng aming atensiyon. Magagaling sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo pero may isa pang lutang na lutang ang pagganap sa kanilang serye.

Magaling umarte si Sanya Lopez. Parang gripo ang imbakan ng kanyang luha sa mga eksenang kailangan niyang magtawid ng emosyon dahil sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na anak.

Puwedeng gawin ‘yun ng ibang artista, puwede rin silang umiyak nang umiyak, pero napakasinserong gumanap ni Sanya. Alam mong galing sa puso ang kanyang pag-arte. Tumatawid-nanunuot ‘yun sa puso ng manonood.

Malinaw siyang magdeliber ng dayalog, sa kanyang mga tuhog na eksena (tulad ng eulogy sa burol ng bata) ay alam mong isa siyang estudyanteng nag-aral ng kanyang leksiyon, diretso ‘yun nang hindi niya napababayaan ang kanyang emosyon habang nagsasalita.

Nakakatawa nga. Dahil kay Sanya Lopez ay nakaligtaan na naming lumipat sa Ang Probinsyano na ang

Magaling ang dalagang ito. Sana nga ay mas marami pang programa ang ipagkatiwala sa kanya ng GMA 7. Pakiramdam namin habang pinanonood ang mga emosyonal na eksena ni Sanya Lopez ay napakalalim ng kanyang hugot.

Magaling!

Read more...