NAGBABALA ang Bureau of Immigration na iba-blacklist ang mga banyaga na hindi rerespeto sa mga opisyal ng immigraton matapos naman ang ulat ng umano’y paninigaw ng ‘Glorious’ actor na si Tony Labrusca sa mga miyembro ng BI.
“While our immigration officers have been instructed to observe maximum tolerance, it is against the law to disrespect immigration authorities, and violating aliens may be excluded and blacklisted from the Philippines,” sabi ni Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval.
Nauna nang napaulat na nanigaw si Labrusca matapos sitahin dahil sa kawalan ng working permit sa bansa.
“Showing disrespect to symbols of authority is essentially showing disrespect to the country,” dagdag ni Sandoval.
Nagreklamo si Labrusca sa mga miyembro ng Immigration matapos na bigyan lamang ng 30 araw para manatili sa bansa.
Sinasabing US citizen si Labrusca.
Base sa ulat, galit na galit si Labrusca matapos umanong pahirapan sa kabila ng pagiging artista.
Sinabi ni Sandoval na hindi sakop si Labrusca ng isang taong Balikbayan visa privilege.
“Those who have Philippine lineage do not necessarily qualify for the Balikbayan Privilege. The privilege is for former Filipinos, and their immediate family members who are traveling with them only. If these family members are not traveling with the Filipino or former Filipino, they are not qualified for the one-year visa free privilege,” paliwanag ni Sandoval.