Kotse vs trike: 3 patay, 11 sugatan

TATLO katao ang nasawi at 11 pa ang sugatan nang masalpok ng kotse ang isang tricycle sa San Juan, Batangas, Biyernes ng umaga.

Dead on arrival sa ospital sina John Eric Gamil, Borito Santos, at isang “Popoy,” pawang mga pasahero ng tricycle, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.

Sugatan ang tricycle driver na si Levy Gamil at lima niyang pasahero, pati ang driver ng kotse na si Kelly Villanueva at apat niyang kasama.

Naganap ang insidente sa Brgy. Laiya-Aplaya, dakong alas-3.

Minamaneho ni Levy ang tricycle patungo sa Brgy. Hugom nang masalpok ng kasalubong na Honda Civic na dala ni Villanueva, ani Gaoiran.

Itinakbo ang mga sugatan sa iba-ibang ospital. 

Read more...