Hula sa young actress: mabubuntis ng dyowang aktor

PINAG-IINGAT ng mga psychic na nagkatusak sa pagtatapos ng taon ang isang magaling na young actress na may karelasyong hunk actor. Kailangan daw niyang magdobleng ingat dahil baka siya magdalantao sa Year Of The Pig.

Sa dinami-dami ng mga artistang puwedeng banggitin ng mga manghuhula ay siya ang talagang paulit-ulit na pinangalanan. Sana raw ay mag-ingat ang young actress dahil siguradong makaaabala ‘yun sa magandang takbo ng kanyang career.

Kuwento ng isang source, “Malalim na kasi ang relasyon nila ng boyfriend niya. Kasal na nga lang ang kulang sa kanila dahil tanggap na sila ng kani-kanyang pamilya nila.

“Pero malabong mangyari ang mga hula sa kanya. Marunong ang girl, alam niya ang mga ginagawa niya, mahal na mahal niya ang career niya. Sakali mang may ginagawa na sila ngayon ng boyfriend niya kahit hindi pa sila kasal, kilalang-kilala ng girl at ng guy ang salitang protection,” madiing sabi ng aming impormante.

Hindi lang ang actress na ito ang puwedeng sabihing marunong sa proteksiyon, marami pang ibang youngstars na marunong nang umiwas sa pagdadalantao nang wala sa panahon, magagaling na rin sila.

Balik-chika ng aming source, “May mga magkaka-loveteam sa harap at likod ng mga camera na gumagawa na rin ng milagro. Pero marurunong sila.

“Ano nga naman ang ginagawa ng condom na singkuwenta pesos lang ang isang set? Malaking tulong ‘yun sa mga nanggigigil na hindi na makapagpigil.

“Armado ang mga guys ng condom, kahit sa wallet nga nila, e, may nakaipit na protection gear. Maganda na nga namang nag-iingat sila dahil ang pagiging preggy ng girl, e, isang malaking problema!

“Hindi na uso ang pills ngayon para sa mga girls. Meron pa ring gumagamit, pero mas effective kung may protection ang lalaki kapag gumagawa sila ng milagro!

“Sabi ng iba, e, hindi raw masarap kumain ng candy na may balat, pero ‘yun ang kailangang protection para hindi makalunok ng pakwan ang babae.

“Alam ‘yun ng young actress at ng boyfriend niyang hunk actor. Gumagawa sila ng milagro, pero very responsible ang guy, armado siya palagi ng protection kahit saan sila makarating ng girlfriend niya!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mag-Google na kayo, tulad nina Jon at Ching Bautista Silverio, para hindi kayo maupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...