‘Kailangang mawala na si John Rendez sa buhay ni Ate Guy para swertehin sa 2019!’

JOHN RENDEZ AT NORA AUNOR

Kontra sa salitang laos ang celebrity psychic na si Attorney Nick Nanguit kapag ang Superstar nang si Nora Aunor ang paksa sa kanyang panghuhula.

Hindi siya laos, madiing sinasabi nang paulit-ulit ng celebrity psychic, hinding-hindi pa mawawala sa sirkulasyon ang nag-iisang Superstar.

Pero sa kanyang pagbasa sa mga bituin ng aktres ngayong 2019 ay merong nakikita si Atty. Nick na bumabara sa maganda sanang oportunidad na dumarating sa Superstar.

“Merong humaharang sa kanya. ‘Yun ang humihila sa kanya pababa. Gaano man kaganda ang mga dumarating na pagkakataon sa kanya, tinatalo ‘yun ng humaharang sa career niya. Hindi siya laos at hindi siya malalaos, kailangan lang niyang alisin ang nakabalandrang harang sa buhay at career niya,” paliwanag ng kilalang celebrity psychic.

Natural, maraming nag-text sa amin habang nagsasalita si Attorney Nick Nanguit, isa lang ang kanilang reaksiyon habang nakikinig ng “Cristy Ferminute.”

Sabi ng isa naming texter, “Kailangan na talagang mawala sa buhay ni Ate Guy si John Rendez. ‘Yun din ang dahilan kung bakit sila nagkawatak-watak ng mga anak niya.”

Halos lahat ng mga nag-text sa amin ay ganu’n din ang komento, si John Rendez ang humaharang sa career ng Superstar, wala nang iba.

Read more...