Pasilip-silip lang si Phillip Salvador sa loob ng The Theater sa Solaire kung saan ginanap ang awards night ng 2018 MMFF. Walang duda na kaya nandoon ang aktor ay bilang suporta kay Bong Go na kilalang kanang kamay ni President Rodrigo Duterte.
Kabilang kasi si Go sa jury ng MMFF this year. At bilang hurado, naka-assign sila to present the award sa mga mananalo. Kung sinuman ang nakaisip na isali si Go sa mga jury, napakalaking exposure nito sa kanya.
May nagsabi naman na sana’y si Phillip na lang daw ang ginawang kandidato ni Duterte sa pagka-Senador this coming election. Nagmumukha na raw kasing alalay ni Bong Go ang aktor dahil palagi nga itong present kung nasaan ang senatoriable.
MOST READ
LATEST STORIES