PINAYUHAN ng isang pari mula sa Simbahan ng Quiapo ang mga may karamdamang deboto ng Itim Na Nazareno na wag nang sumama sa prusisyon, sa pagsasabing hindi mababawasan ang paniniwala nila kahit hindi makadalo sa Translacion.
“We encourage do’n sa mga deboto na merong health conditions, like hypertension or sakit sa puso, na they don’t need to participate in the procession,” sabi ni Fr. Douglas Badong ng Minor Basilica ng Black Nazarene.
Ipagdiriwang ang kapistahan ng Itim Na Nazareno sa Enero 9.
“Meron naman kaming mga prayers stations na itinalaga kung saan pwedeng maghintay, pwedeng magparticipate na hindi nasa-sacrifice or naapektuhan ‘yong kanilang pagiging devotees,” sabi ni Badong.
Idinagdag ni Badong na ito’y para maiwasan din ang mga masasawi sa mga dadalo sa kapistahan ng Itim Na Nazareno.
“In that way, maiiwasan ‘yong mga injuries or ‘yong sakuna with regard to the health and the security of the devotees,” ayon pa kay Badong.