HINDI nababahala ang Palasyo sa travel advisory na ipinalabas ng United Kingdom at Australia laban sa Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na iginagalang ng Malacanang ang naging aksyon ng dalawang bansa.
“You know, it’s natural for any foreign government or any government for that matter to be concerned sa welfare, sa safety ng kanilang mga mamamayan. And we cannot blame them kung nagkaroon sila ng ganiyang pananaw sapagkat nagkaroon ng bombahan sa Cotabato,” sabi ni Panelo.
Iginiit ni Panelo na ligtas pa ring bumiyahe sa Pilipinas.
“Iyon ay isolated case lang naman. So, in so far as the National Defense Secretary is concerned, it’s very safe to travel sa Mindanao,” ayon pa kay Panelo.