Hugot ni Gabbi sa 2018: Sinubok ang katatagan ko bilang tao!

GABBI GARCIA

Naging sandalan ng Kapuso artist na si Gabbi Garcia ang pamilya, kaibigan, loved ones, katrabaho at supporters upang maging matatag siya nitong nagdaang 2018.

Ayon sa Instagram post ni Gabbi bago matapos ang taon, “2018, the year where my strength as an individual was tested, where I had to be firm, and where I learned how to stand on my ground.

“It is the year where I have found balance between work, family, love and happiness. Grateful for my family, friends, loved ones, co-workers, supporters. Thank you all. 2019 are you ready?” dagdag ng Kapuso IT girl.

Taong 218 nabuwag ang tambalan nina Gabbi at Ruru Madrid matapos ang ilang taong pagiging magka-loveteam sa GMA. Pero napanatili pa rin ni Gabbi ang pagiging global endorser dahil na rin sa kanyang Pinay beauty.

Nawala man si Ruru kay Gabbi, may pumalit naman sa kanya sa katauhan ng magaling ding young actor-singer na si Khalil Ramos na naging special friend na niya, huh!

Close na nga si Khalil sa pamilya ni Gabbi, di ba?

Read more...