Joey kay Alden: Isa ka sa pinakamasipag at mapagmahal sa pamilya na nakilala ko!

JOEY DE LEON AT ALDEN RICHARDS

SALUDO si Joey de Leon kay Alden Richards dahil sa nakita niyang pag-uugali nito sa loob ng ilang taong pagiging Eat Bulaga Dabarkads.

Ibinandera ni Joey sa kanyang Instagram account kahapon ang paghanga kay Alden bilang pag-aalala sa birthday ng Pambansang Bae.

“Wag kang umiyak Alden Richards at birthday mo lang yan! Wag kang OA!

“Happy birthday at isa ka sa pinakamasipag, maalalahanin at mapagmahal sa pamilya na nakilala ko.

Mabuhay ka! @aldenrichards02,” caption ni Joey sa litrato nila ni Alden na kunwari ay umiiyak.

Naglabas din si Ai Ai delas Alas ng pagbati para kay Alden sa kanyang social media account. Baby boy ang tawag niya sa Kapuso heartthrob dahil parang tunay na anak na ang turing niya rito.

“Happy birthday baby boy. Have a blast. Labyu den salamat sa lahat,” pagbati ng Comedy Queen.

Bilang suporta at regalo kay Alden mula sa isang global chain, isang TV commercial ang inilabas nila kahapon para sa selebrasyon ng birthday ng Pambansang Bae.

Happy, happy birthday, Alden!

Read more...