Kalat na: John Lloyd, Ellen nagpakasal bago magpasko, sabay sa binyag ng anak

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

Bininyagan pala ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna nu’ng December 23.

Kasabay ng binyagan ang paglutang ng balita na nagpakasal na rin daw sina JLC at Ellen.

Kung totoo nga ang kuwento ay napakagandang pangyayari nu’n na dapat ikatuwa ng malalapit sa dalawa dahil ginawa na nilang legal ang kanilang relasyon.

Kung totoo ngang nagpakasal na sila sa araw ng binyag ng kanilang anak ay nangangahulugan lang na ang relasyong pinagdudahan nu’n ng marami ay mauuwi pala sa altar.

Ang pagbabalik na lang ni JLC sa pag-arte ang hinihintay ngayon ng marami. Nasasayangan ang mga tagahanga ng magaling na aktor sa mga oportunidad na dapat ay napupunta sa kanya.

Pero may isang kaibigan kaming pinagsabihan ni Lloydie na hindi pa niya naman tinatalikuran ang pag-aartista.

Kuwento nito, “Nandu’n pa rin ang passion niya, hindi na mawawala ‘yun, naging mundo na niya sa pinakamahabang taon ang showbiz, hindi ganu’n kadaling talikuran ni Lloydie ang naging mundo niya for the longest time.

“Nu’ng magkita kami, e, napakasimple niya. I know what he wants to imply, nagpapahinga lang siya.

“‘Yung nakalalabas siya nang naka-shorts at t-shirts lang.

“‘Yung nakakatulog siya nang mahabang oras dahil wala siyang iniintinding trabaho.

“Nakakaburyong naman talaga ang ganu’n, ‘yung parang wala na siyang sariling buhay,” kuwento ng aming kaibigan.

Isang malaking check ‘yun. Umaabot talaga ang mga sikat na artista sa puntong pinaniniwalaan na nila ang kasabihang it’s lonely at the top.

Read more...