Listahan ng pangalan ng bagyo para sa 2019 inilabas na

ISINAPUBLIKO ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang listahan ng mga pangalan ng bagyo ngayong 2019.

Kabilang sa mga pangalang inaprubahan ng PAGASA ay ang mga pangalang Amang, Betty, Chedeng, Dodong, Egay, Falcon, Goring, Hanna, Ineng, Jenny, Kabayan, Liwayway, Marilyn, Nimfa, Onyok, Perla, Quiel, Ramon, Sarah, Tisoy, Ursula, Viring, Weng, Yoyoy, Zigzag.

Tinatayang 20 bagyo ang bumibisita sa bansa kada taon.

Ang naturang mga pangalan ay gagamitin rin ng PAGASA sa 2023, 2027 at 2031.

Ang mga pangalan ng bagyo na ginamit noong 2018 ay gagamitin muli sa 2022, 2026 at 2030.

Ang pangalan ng mga malalakas na bagyo ay hindi na muling ginagamit ng PAGASA.

Read more...