Roderick nagluluksa sa pagpasok ng Bagong Taon: Paalam, kapatid…


HABANG ipinagdiriwang ng buong mundo ang pagpasok ng Bagong Taon, nagluluksa naman ang actor-politician na si Roderick Paulate sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Amelia Paulate Angeles.

Ibinahagi ni Kuya Dick sa kanyang social media account ang malungkot na balita, at aniya ipinagpasa-Diyos na lang nila ang biglaang pagkawala ng kapatid.

Narito ang buong mensahe ng award-winning actor: “Paalam kapatid ko … Amelia Paulate-Angeles.

Ginulat mo naman kami. Pero sige kahit masakit pahinga ka na. Ika mo nga, ‘Ah ewan!’

“Honestly, di ko maintindihan ang bilis…pero I just have to trust the Lord and accept His divine plan and purpose. I still praise and honor Him. Musta na lang kay Papang, Mamang, Kuya, at Fred.

“God bless your soul, Mel. Rest in Peace. Mahal kita.”

Read more...