Yassi Pressman 2 na ang alagang ahas: Love na love ko sila


ADIK talaga ang Kapamilya actress na si Yassi Pressman – sa mga ahas!

Love na love ng dalaga ang bago niyang snake pet na si Sky, na iniregalo sa kanya ng isang kaibigan nitong nagdaang Pasko.

Si Sky ay isa ring ball python, tulad din ng una niyang alagang ahas na si Fluffy, na kanyang inampon last November. Ayon kay Yassi, kakaiba ang feeling kapag nilalaro niya ang mga alagang ahas.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres ng isang video kung saan mapapanood ang bonding moments nila nina Sky at Fluffy.

Pagpapakilala ni Yassi sa kanyang pet sa pamamagitan ng nasabing IG video, “Hey world, this is Sky. She was a gift, and I love her. Now there’s two!”

Read more...