KC kinakarir ang pagtuturo ng Tagalog sa French BF: Say ‘anghang’

PIERRE PASSART AT KC CONCEPCION

MAY ilang pampa-good vibes video rin si KC Concepcion sa Instagram kasama ang kanyang French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.

Kasalukayang nasa Pilipinas ang magdyowa para dito i-celebrate ang natitirang araw ng holiday season.

Ilang magagandang lugar sa Pilipinas ang binisita nina KC at Pierre nitong mga nakaraang araw para ituloy ang kanilang bonding moments from
France.

Sa Instagram story na ibinahagi ni KC sa kanyang followers, mapapanood na tinuturuan ng dalaga ng ilang Tagalog words si Pierre, kabilang na ang salitang “anghang”.

Hamon ni KC kay Pierre, “Would you teach me a really weird French word?” Sagot naman sa kanya ng French producer-businessman, “Pneu,” na ang ibig sabihin daw ay “tire”.

Hirit uli ni KC habang tumatawa, “Now, I want to teach you a Tagalog word. Are you ready? It means spicy… Anghang.”

Inulit-ulit naman ni Pierre ang salitang “anghang” ngunit hindi pa rin niya ito nasabi nang tama, kaya chika ni KC, “He tried.”

Read more...