IBANG level na talaga ang ganda ng Kapamilya star na si Liza Soberano.
Muli na namang gumawa ng record ang dalaga sa pinag-uusapang 2018 British Independent Critics’ (BIC) 100 Most Beautiful Faces list.
Ka-level na niya ngayon ang mga Hollywood stars na sina Gal Gadot (Wonder Woman), Selena Gomez at Game of Thrones actress Emilia Clarke who earned five, seven, and eight appearances on the list respectively.
Pasok na kasi si Liza sa Hall of Fame ng 100 Most Beautiful Faces matapos ang apat na sunud-sunod na taong pagkakapili sa kanya ng BIC. She landed in the fourth spot kahilera ang French model and entrepreneur na si Thylane Blondeau na siyang nag-number one ngayon this year.
Ang ilan lang pumasok sa BIC 100 Most Beautiful Faces list ay sina Nadine Lustre (from 78th to the 70th spot), Jessy Mendiola (from 71st spot to the 55th). Si Kathryn Bernardo naman na pang-60 last year ay naetspawera ngayong taon.
Sa mga male celebrities naman, nalaglag sa 21st spot si James Reid mula sa ikaapat na pwesto last year habang sina Enrique Gil at Daniel Matsunaga who placed 61st and 88th respectively failed to make it to this year’s list.
Ang Hollywood star na si Jason Momoa na bida sa blockbuster movie na “Aquaman” na isa na ring Hall of Famer ngayon ang nag-number one ngayong 2018.
Taun-taon naglalabas ang TC Candler ng the 100 Most Beautiful Faces list mula sa iba’t ibang panig ng universe based on billions of social media impressions and other digital platforms.