Negang aktres may kakambal na ‘malas’, pati sikat na aktor nadamay


KUNG totoong nakakagat ng tao ang kanyang dila kapag siya ang pinag-uusapan ay baka naputol na nga ang dila ng isang seksing female personality.

Siya kasi ang naging paksa ng isang malaking grupo, siya ang pinagpistahan, dahil binigyan na siya ng bagong titulo ng nasabing grupo.

Pinag-aralan nilang mabuti ang mga nakaraang proyekto ng seksing female personality at nagkaisa sila sa pagsasabing may balat ang babaeng ito, maalat sa kanya ang kapalaran, kaya tinawag siyang jinx.

Sabi ng unang source, “Kahit malalaking artista na ang kasama niya, e, talagang sumesemplang kapag siya ang katambal. Ano kayang balat sa katawan meron ang girl na ‘yun at hindi siya masuwerteng kasama sa mga proyekto?

“Nu’n nga, ang laki-laking male personality ang leading man niya, pero anyare sa box-office? Di ba, semplang din? Nakakalungkot lang na kitang-kita ang ebidensiya.

“Siya talaga ang dahilan, very consistent siyang jinx. Kapag ikinapit na sa kanya ang ganyang tatak, goodbye na ang mga oportunidad para sa kanya,” madiing sabi ng impormante.

Ganu’n din ang nangyari sa pinakahuling pelikula ng female personality na ipinagbabanduhan ang kanyang seksing katawan. Parang pinagtampuhan din siya ng kapalaran dahil sumisisid sa ilalim ng dagat ang pelikula nila ng isang napakagaling na aktor.

Sabi ng ikalawang source, “This is another proof ng kaalatan niya. Additional patotoo ito na talagang inaalat ang project kapag kasama siya. Pati ba naman magaling na male personality na kasama niya, e, nadamay sa kaalatan niya?

“Ayan tuloy, pinakakain na naman siya ng ampalaya ng mga bashers. Pinalalagok na naman siya ng mapaklang apdo, kasi nga, nangungulelat sila ngayon.

“Naku, siguradong aangat na naman sa upuan ang kanyang tagapagtanggol n’yan! Idedepensa na naman siya ng kanyang knight ni shining armour kapag ganyang inuupakan siya sa social media!

“Hawang-hawa na sa kanya ang boyfriend niya na super-patol! Nanenega na rin tuloy ‘yung tao dahil sa kanegahan niya!” pagtatapos ng aming source.

Kailangan pa ba naman ng clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, para lang mahulaan n’yo kung sino ang tinatawag na jinx na itey?

Read more...