Hiling ng mga artistang kasali sa MMFF dininig ng theater owners

TINUGUNAN naman ng theatre owners ang panawagan ng ilang producers kaugnay ng kanilang mga festival entry na binawian ng sinehan two days after nagbukas ang 2018 MMFF nitong nagdaang Pasko.

Isa na rito ang most-awarded entry na “Rainbow’s Sunset” na agad ibinalik (at dinagdagan pa) sa mga sinehan matapos manalo ng napakaraming awards.

Isa rin sa casualties ng bawas-sinehan sa ginaganap na MMFF ay ang “One Great Love” ng Regal Entertainment.

Naglabas naman ng kani-kanyang mensahe ang ilang artista na panoorin ang “Rainbow’s Sunset” gaya nina Ai Ai delas Alas, Boy Abunda, director Joey Reyes at Kyline Alcantara.

Todo endorse rin si direk Joey na panoorin ang “One Great Love” na hinirang na 3rd Best Picture sa ginanap na 2018 MMFF Gabi ng Parangal.

Read more...