Janine-Enchong movie unang pasabog ng Regal sa 2019

KASADO na ang sunud-sunod na gagawing pelikula ng Regal Entertainment sa 2019.

Ibinandera ng production company ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ang trailer ng kanilang mga upcoming projects sa nakaraang private screening ng festival movie nilang “One Great Love.”

Unang isasalang sa pagpasok ng bagong taon ang first movie together nina Janine Gutierrez at Enchong Dee na “Elise” na inspired by a true story. Mula ito sa direksyon ni Joel Ferrer.

Isang all-out comedy naman ng “Papa Pogi” kung saan bibida ang singer na si Teddy Corpuz kasama sina Myrtle Sarroza at Donna Cariaga. Mula ito sa direksyon ng komedyante ring si Alex Calleja.

Bibida naman ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez sa pelikulang “Time & Again” kung saan makakapareha niya si Enzo Pineda mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

“Stranded” naman ang title ng movie nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde habang balik-romcom next year ang direktor na si Jason Paul Laxamana sa movie niyang “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” na pagbibidahan nina Jerome Ponce, Jane Oineza, Albie Casino, Mytle Sarroza, Tony Labrusca at Dennis Trillo.

Ang Regal din ang magdi-distribute ng pelikulang “Mina-Anud.”

Bagong konsepto, fresh faces ang magbibigay-sigla this 2019 mula sa nag-iisang Regal Films!

Read more...