Miles Ocampo kay Kathryn: Dumating ako sa point na iniiyakan ko siya


INAMIN ng Kapamilya youngstar na si Miles Ocampo na totoong iniiwasan niya ang mga tanong tungkol sa friendship nila ni Kathryn Bernardo.

Sa panayam ng Tonight with Boy Abunda kay Miles, natanong siya kung ano ba talaga ang estado ng pagkakaibigan nila ngayon ni Kathryn, “Aaminin ko Tito Boy that I have been avoiding this topic, simula nung sinabi nila na nagka-issue kami ni Kat. Pag tinatanong ako sinasabi ko na okay kami kasi pag tinatanong si Kat sinasabi din niya na okay kami.”

Sa nakaraang interview ng TWBA kay Kathryn, sinabi nitong okay sila ni Miles at nag-grow lang sila separately. Kaya ang hugot ni Miles, “After watching her interview with you, siguro nga yun yung nangyari. Na na-grow na lang kami separately.

“Mahirap kasi, Tito Boy, na magigising ka na lang na wala na lahat. Nagising ka one day na bini-blame mo na lang yung sarili mo na hindi mo naman alam kung ano, hindi mo naman alam kung paano nangyari yun,” aniya pa.

“Dumating ako sa point na iniiyakan ko siya. Everytime na naalala ko affected pa rin ako. Everytime na may nababasa ako, na sinasabi nila about our friendship affected pa rin ako,” pag-amin ng dating Goin’ Bulilit star.

“I guess Tito Boy, sa kahit anong relasyon mawawala lang yung pain kapag nagkaroon kayo ng closure kasi yung closure na yun hindi lang para matapos lahat, but to give yourself time to heal,” aniya pa. Dito na rin inamin ni Miles na talagang nagkaroon sila ng misunderstanding ni Kathryn.

Hirit na tanong ni Boy Abunda, “Tumawag ka ba, nag-text ka na hindi ka sinasagot?” Tugon ni Miles, “Yun yung naramdaman kong pain, Tito Boy. Yun nga po sinisisi mo yung sarili mo sa isang bagay na hindi mo alam kung paano nangyari and wala kang kahit kaunting hint kung paano nangyari.”

Sa huli, sinabi ng young actress na okay na uli sila ni Kathryn, “Siguro yung time na lang din yung hinayaan kami mag-heal parehas. Sobrang okay na kami ni Kath, every time na mine-messsage ko siya, sasagot nman siya.”

Hirit pa niya, “We may not have the same friendship that we had nung nasa Going Bulilit kami but masasabi ko na yung pagiging special ni Kat sa akin, and yung pagmamahal ko sa kanya nandun pa rin. Ang importante na yun yung sinasabi namin sa isa’t isa and I guess yun na yun.”

Read more...