MMFF MOVIE REVIEW: Tambalang Coco, Maine riot sa Jack Em Popoy

PINATUYAN ni Maine Mendoza na may ibubuga na siya sa aktingan.  Ito nga ay nang makipagsabayan siya kay Coco Martin hindi lang sa pagpapatawa kundi sa pag-arte at sa aksyon sa MMFF entry na Jack Em Popoy: The Puliscredbiles na pinagbibidahan din ni Vic Sotto.

Ipinakita nina Coco at Maine ang kanilang chemistry, kasama si Vic sa comedy, action at drama sa Jack Em Popoy.

Pinaghalo ang cast ng Jack Em Popoy ng mga artista mula sa sikat na Probinsyano series ni Coco at ang mga Dabarkads ng Eat Bulaga.

Bagamat ito ang unang pagkakataon na sumabak si Maine sa aksyon, naging napakaepektibo niya sa mga stunts.

Umpisa pa lamang ng pelikula ay riot na sa mga action scenes sina Maine at Coco.

Kung gusto mo lamang na maaliw at hindi muna mag-isip, talagang mag-eenjoy ka sa pelikula nina Vic, Coco at Maine.

Swak na swak din ang pelikula maging sa mga bata dahil napaka-wholesome ng mga linya sa mga Jack Em Poy.

May konting twist ang pelikula na kagigiliwan ng mga manonood at kapupulutan pa ng aral.

Hindi rin kataka-taka na maulit ang tambalang Coco-Maine dahil sa ipinakitang chemistry ng dalawa.

Tiyak na kakabugin ng Coco-Maine tandem ang iba pang mga sikat na loveteam sa bansa.

 

Read more...