Heart tinahi ang ‘sugatang puso’

HEART EVANGELISTA

NAGPASALAMAT pa si Heart Evangelista sa lahat ng dinanas na hirap at sakit sa taong 2018.
Sa kabila ng mga pagsubok na kanyang hinarap sa nakalipas na 12 buwan, ay nananatili pa rin siyang nakatayo at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.

Nag-post ang Kapuso actress sa kanyang Instagram account ng kanyang litrato suot ang isang t-shirt na may puso sa dakong dibdib. Mapapansin na may “tahi” ang “heart” design.

Ito ang caption sa kanyang IG post, “As I look back at the year that has passed, all I can say is that I am thankful for all the joys and the pains that have made me who I am today. I’m wearing a T-shirt from my #LMxKamiseta collection. I sketched a broken heart that is now stitched together to symbolize how I have grown to become stronger, more resilient, and happier than ever!” aniya pa.

Read more...