Hiling ng mga taong nasa likod ng Rainbow’s Sunset: Huwag kaming tanggalin sa sinehan!

EDDIE GARCIA, GLORIA ROMERO AT TONY MABESA

Huwag tanggalin sa mga sinehan ang sigaw ng buong team ng festival winner na “Rainbow’s Sunset” matapos manalo ng 11 awards sa katatapos lang na Gabi ng Parangal para sa 2018 MMFF.
Marami ang nagdasal na humakot ng awards ang Joel Lamangan movie at natupad ‘yon dahil ito ang humakot nng awards kabilang na ang Best Picture, Best Actress (Gloria Romero), Best Supporting Actress (Aiko Melendez), Best Supporting Actor (Tony Mabesa) at iba pang technical awards.
Binigyan naman ng Special Jury Prize sina Eddie Garcia at Max Collins na bahagi rin ng pelikula na siya ring tumanggap ng Gatpuno Antonio Villegas Memorial Award.
Isang malaking hamon ito sa manonood na panoorin ang hakot awards movie ngayong filmfest at panawagan sa mga theatre owner na bigyan ng chance ang movie upang pahabain ang showing nito.
Congratulations din kay Harlene Bautista, na producer ng pelikula at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng proyekto.

Read more...