LABINLIMANG wage order at implementing rules ang inisyu nitong 2018 ng Department of Labor and Employment–Regional Tripartite Wages and Productivity Boards kung saan nagkaroon ng pagbabago sa minimum na sahod mula P10 hanggang P56 para sa mga manggagawa sa pribadong establisyamento.
Nag-isyu ng wage order sa rehiyon sa NCR, CAR, II, III, IVA, IVB, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, at ARMM.
Ang minimum na sahod sa non-agricultural ay P537 sa NCR at mula P256 hanggang P400 sa mga lugar sa labas ng NCR.
Sa agriculture sector, ang minimum na sahod sa NCR ay P500 at P256 hanggang P370 naman sa labas ng NCR.
Nitong taong ito, naglabas ang RTWPB II at IVA ng wage order para sa mga kasambahay kung saan nagtaas ito mula P1,000 hanggang P1,200. Sa ngayon, ang minimum na sahod para sa kasambahay ay mula P3,500 sa NCR at P2,000 (VIII, IX, X, XI at XII) hanggang P4,000 (Region III) sa labas ng NCR.
Sa ngayon, ang lahat ng regional board ay nagpalathala ng advisory para sa specific industry o sector sa rehi-yon, tulad ng agriculture (plantation); agribusiness; mining; manufacturing; transportation and storage facilities; tourism; hotels, restaurants and resorts; higher education institutions, at sardines (canning) industry.
Nitong 2018, apat na regional board ang nag-isyu ng wage advisory para sa kani-kanilang rehiyon para sa agribusiness, wholesale & retail trade, and hotel & restaurant (Region II), wholesale and retail trade, at construction (Region V), hotel and restaurant (Region IX), at hotel and resort (Region XI).
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.