Bianca Umali kinakarir ang pagsisid para sa ‘Sahaya’

BIANCA UMALI

SPEAKING of Sahaya, todo na rin ang pagte-training ni Bianca Umali para sa bago niyang serye kung saan gaganap siyang Badjao.

“Si Sahaya ay iisa siyang Badjao pero eventually mapupunta po siya sa Maynila. Ang pino-project po kasi ni Sahaya is ‘yung love niya for her culture,” kuwento ni Bianca tungkol sa kanyang karakter.

Kinakarir niya ngayon ang paglangoy at pagsisid para sa karakter niya sa serye, “I am also taking swimming lessons for free diving. Although I have been doing scuba diving noon pero ang free diving po kasi ‘yung paglangoy po sa open ocean.”

Bukod dito, pinag-aaralan din niya ang kultura ng mga Badjao para mas maka-relate siya sa kanyang karakter.

Read more...