Angelica kay Carlo: Nahanap ko na yung nawawala!

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

MUKHANG may linaw na ang relasyon nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Magkasamang nag-celebrate last Christmas ang dalawa kasama ang adoptive mother ng Kapamila actress.

Maraming nagkomento at kinilig sa mga Instagram post ni Angelica noong Pasko kung saan sinabi niyang “masaya ang lahat” sa kanilang celebration. Ilan sa mga malalapit sa dalaga ang nanukso sa kanila ni Carlo at nagsabing happy sila sa kanilang “pagbabalikan”.

Comment ng direktor na si Dan Villegas (direktor ng Exes Baggage na pinagbidahan ng CarGel, “Merry Christmas! @iamangelicap @jose_liwanag.” Na sinagot ni Angelica ng makahulugang, “@danvillegas rekdi! Merry Christmas! Nahanap ko na yung nawawala.”

Read more...