Male celeb naetsapwera sa buhay ng GF na sikat sa buong universe

TINATAKAN na ng marami nating kababayan ang isang male personality na kung tawagin nila ngayon ay KSP. Kulang sa pansin kuno ang lalaki.

Kung may naiinis man sa kanya ay meron ding mga naaawa, para raw ka-sing basta na lang siya inetsapuwera, tinanggalan ng papel sa matagal nang relasyon nila ngayon ng isang pamosong female personality na kilalang-kilala sa buong mundo.

“Naghahanap din naman siyempre ng attention ‘yung tao, intindihin na lang sana ‘yun ng mga nami-mintas at nangba-bash sa kanya. Sa iyo ba naman mangyari ang ganu’n, hindi ka ba naman masasaktan?

“Aba, dati nga naman, e, puwede niyang kausapin ang girlfriend niya, puwede silang makita sa labas, pero ngayon, e, iba na ang situation.

“By appointment na ang tawag niya ngayon sa girl. Kung ayaw ng mga nagbabantay sa babae na mag-usap sila, walang ma-gawa ang magandang babae.

“So, para namang basta na lang nabalewala ang pinagsamahan nila nang matagal na panahon. Parang iba na ang ikot ng mundo nila ngayon,” simulang chika ng aming source.

Maunawain ang male personality, suportado niya ang lahat ng pangarap ng kanyang girlfriend, walang maipipintas sa mga ginagawa niyang tulong sa babae.

“Pero hindi niya siguro inasahan na ganito pala ang mangyayari. ‘Yung nandiyan lang ang girl, pero hindi niya naman makausap. Maraming bawal sa relasyon nila ngayon.

“Bawal silang magkita, bawal silang mag-chat, bawal silang lumabas kahit sandaling-sandali lang, dahil ayaw ng mga nagbabantay sa girl.

“Culture shock ang nangyari sa guy, masarap sa pakiramdam ang success ng kanyang karelasyon, pero talagang hindi niya alam na ganu’n pala ang kahihinatnan ng relationship nila.

“Imagine nga naman, ilang taon mo nang karelasyon, pero ngayon, e, hihingi ka pa muna ng clea-rance bago mo siya makita?

“Hindi siya KSP. Sa totoo lang, siya ang nawalan ng karapatan sa girl na matagal na niyang gustong pakasalan, pero sinuportahan muna niya ang ambisyon ng mahal na mahal niyang babae.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito. Meron pa bang iba?” pagtatapos ng aming source.

Read more...