Benepisyo mula PVAO, iba ang kumuha? | Bandera

Benepisyo mula PVAO, iba ang kumuha?

Lisa Soriano - July 12, 2013 - 07:00 AM

Dear Liza,
Magandang hapon po. Isa po ako sa inyong mambabasa. Gusto ko lang pong itanong ang tungkol sa tatay ko. Siya ay isang beterano subalit nung namatay siya ay wala kaming natanggap na benepisyo mula sa PVAO. Nung mag-verify ako, nalaman ko na mayroon na daw ibang nag-claim.
Ano po ang dapat kong gawin samantalang ni isa sa mga kapatid ko ay walang nagclaim ng kaniyang benepisyo? Paano po namin malalaman kung sino ang kumuha nito? Kung sakali man po, makukuha pa po ba namin ito? Umaasa po na ako’y inyong matutulungan. Maraming salamat po.
Lourdes de Lara

 

Dear Bb. De Lara,

Ito po ay tungkol sa inyong katanungan kay Bb. Liza Soriano-Roy na nailathala sa Inquirer Bandera kaugnay sa katanungan ninyo sa benepisyo ng inyong ama bilang isang beterano.

Napag-alaman po namin mula sa aming mga rekord na wala pong nag-apply at nakatanggap ng benepisyo mula sa PVAO na nagngangalang CASIMIRO SORIANO kaya imposible po na mayroong nakapag-claim ng kaniyang mga benepisyo.
Ganun pa man, ang pinakamabuti po ninyong gawin ay magtungo sa tanggapan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) para malaman ang iba pang mga benepisyo na maaring matanggap ng isang direct descendant ng beterano katulad ng Educational Benefit.

Dalhin lamang po ang mga dokumentong magpapatunay na beterano ang inyong ama at ang kaniyang death certificate. Ang dokumentong magpapatunay na siya po ay isang beterano ay ang kaniyang Military Service Record na nanggagaling sa Non-Current Records Division (NRD) ng Office of the Adjutant General (OTAG), Armed Forces of the Philippines.
Kung nasa inyo na po ang nasabing dokumento ay maaari po kayong magsadya sa aming tanggapan dito sa Strategic Communication Section, PVAO Main Building, PVAO Compound, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City o tumawag sa telephono bilang (02) 912-4728.
Lubos na
gumagalang,
(signed)
Ms. Maria Juanita S. Fajardo-Rivera
Public Information Officer
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.

Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending