Maine pakitang gilas sa ‘Jack Em Popoy’, pwedeng manalong MMFF Best Actress

SINUONG ni Maine Mendoza ang 12 block screenings nu’ng isang araw para sa festival movie niyang “Jack Em Popoy” (JEP) with Vic Sotto and Coco Martin.

“Just got home! Went to 12 block screenings today. Thank you very much Maine fans and ADN for all your support! Ibang klase. #JackEmPopoy,” tweet ni Maine.

Nagkaroon din ng chance si Maine na makasama ang isa sa mga beneficiaries ng block screening, ang Dumagat Tribe. Kinausap sila ng Phenomenal Star at nangakong panonoorin uli ang “JEP.”

Hindi kataka-takang patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang “Jack Em Popoy” dahil hindi alintana ng Dubsmash Queen ang pagod at stress sa pagtulong sa promotions ng kanilang MMFF 2018 entry.

Pawang positibo rin kasi ang feedbacks na natatanggap nila nina Bossing at Coco sa ganda ng buong movie at performances nila.

Malay natin, mapansin ng mga hurado ang galing ni Meng bilang lead actress at mahirang siya bilang Best Actress this time, huh!

After all, ‘yung unang sabak niya sa festival noon para sa pelikulang “My Bebe Love” ay napansin agad ng mga hurado. Sino nga ba ang mag-aakalang mananalo siya bilang Best Supporting Actress. But she did win the honor, huh!

Manalo man o hindi, panalo naman sa puso ng bawat Pinoy ang “Jack Em Popoy”!

 

Read more...