Dingdong umamin, ika-2 pagbubuntis ni Marian mas mahirap: Akala namin pareho lang noong dinadala niya si Zia

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

SPEAKING of Marian, mas mahirap pala ang pagbubuntis ngayon ng Kapuso actress sa pangalawang baby nila ni Dingdong.

Sa guesting ni Dong sa Magandang Buhay, naikuwento niya kung gaano na sila ka-excited ni Marian sa paglabas ng kanilang baby boy.

“Kasi kay Zia pa lang, parang lahat gusto ko nang ipagawa sa kanya, katulad ng mga musical instruments. Hindi man ako marunong sa iba, pero gusto kong i-explore niya lahat, pati sports.

“Pero ngayon, may kahati na siya sigurado sa mga hilig, yung mga hindi ko rin nagawa noong bata ako, gusto kong gawin din niya,” ani Dingdong.

Kinumpirma rin ng Kapuso actor na mas mahirap ang second pregnancy ng kanyang asawa, “Kasi siyempre hindi madali ang pagbubuntis, nakita ko how difficult it was with Letizia. In fact medyo mas mahirap nga ngayon.

“Akala namin pareho lang yung pinagdadaanan. Pati yung hinahanap niyang mga pagkain sa akin, dati wala namang kamias, ngayon may kasama ng mangga,” kwento pa ni Dingdong.

Nag-iisip pa rin daw sila ng ipapangalan sa ikalawa nilang anak, “Ngayon, for some reasons, hirap na hirap kami mag-isip kasi maraming mga very meaningful names for us. So we’re really contemplating kung ano, siguro by next year, malalaman na namin.”

 

Read more...