Horoscope, December 27, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: May sopresa sa iyo ang langit at ito ay may kaugnayan sa materyal na bagay. Tipirin at wag gaanong gastusin ang mahahawakang pera upang magsimulan na ang pagpapaunlad ng kabuhayan. Sa pag-ibig, ituloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 9, 17, 23, 41, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dosya-Om”. Silver at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Itakda at isulat sa malinis na papel, ang iyong mga pangarap. Simulan mo na ngayon habang malapit na ang New Year. Sa pag-ibig, tumuklas ng ibang paraan ng romansa, upang ang suyuan ay lalong lumigaya. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Vigraha-Om.” Red at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Paghandaang ang Bagong Taon. Ngayon pa lang maglinis na ng bahay at buong bakuran, upang pagsapit ng 2019 suwertehin ang buong pamilya. Sa pag-ibig, walang pinakamabuting regalo sa minamahal, kundi ang katapatan ng iyong pag-ibig. Mapalad ang 4, 11, 28, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Green at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Araw na lang ang binibilang magtatapos na ang 208, sa 2019 mas maraming blessings ang darating. Madodoble ang pinagkakakitaan, habang sa pag-ibig, lalong iinit at mas magiging maigting ang romansahan. Mapalad ang 6, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Red at yellow ang buneas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag magpabago-bago ng isipan! Ituloy ang layuning na may kaugnayan sa negosyo upang sa 2019 makamit ang isang masaganang pamumuhay. Sa pag-ibig, mamayang gabi may masarap na pagniniig na naghihintay. Mapalad ang 1, 20, 19, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum Arhate-Padme-Om.” Green at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan. Sa bandang huli kung sino pa ang tinulunan mo, magiging masama ka pa sa kanila. Sa pag-ibig, lalo pang mahalin ang kasuyo upang sa darating na taong 2019, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang patuloy na dumating. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa 2019 higit sa inaasahan ang magandang kapalarang matatanggap. Makapal na halaga ng salapi ang mahahawakan. Sa pag-ibig, lalo pang sasarap at iinit ang pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 4, 10, 19, 25, 27, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum, Trium, Savitra-Om.” Silver at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Huwag kang tatamad-tamad. Sa 2019 kailangan magsimula ng negosyo na may kaugnayan sa pagkain. Magluto ng masasarap at kakaibang pulutan. Sa pagluluto at iba pang produktong pagkain ka yayaman. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 38, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Green at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy mo lang ng ituly ang iyong balak, dahil kung paano ka nanaig at nagtagumpay nitong nakaraang taong 2018, tuloy-tuloy pa rin iyan hanggang 2019. Kasabay ng pagtatapos ng taon, kalimutan na rin ang lahat ng mga negatibong nangyari noong nagdaang taon, upang aliwalas na aliwas at buenas ang pasok ng susunod na taon. Mapalad ang 4, 7, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Pagme-Om.”Beige at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ikaw ang higit na makapangyarihan kaysa sa iyong kasuyo, kaya tama lang na lagi siyang sumusunod sa iyo. Sa taong 2019, ikaw ang manguna sa pagpapaunald ng inyong kabuhayan, upang tuluyan nyo ng makamit ang malaking pag-unlad. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Bukod sa salapi may dapat ka pang pahalagahan, ang relasyon sa mga mahal mo sa buhay. Nakatakda kang yumaman, ngunit aanhin ang materyal na bagay kung hindi naman masaya ang iyong puso? Mapalad ang 5, 9, 18, 30, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Love is All That Matters!” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa sariling diskarte mas madaling mapapalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili. Mapalad ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Ketu-Ayin-Mandala-Om.” Purple at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — May paglalakbay na iaalok ang isang kabigan. Ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala sa pagyaman. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik, mainit na romansa ang kapalit. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at beige ang buenas.

Read more...