Du30 sa pambubugbog sa pulis ni Rep. Garin at amang mayor: Kasuhan!

IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte na kasuhan si Iloilo Rep. Richard Garin at tatay na si Guimbal Mayor Oscar Garin matapos na bugbugin at pagbantaan pang babarilin sa town plaza ang isang pulis.

“Well, kung may kasalanan man ang police, it’s not a reason especially a police officer na bugbugin mo. So I will look in — I just read it from the newspaper.  So they will have to file the case. Direct assault,” sabi ni Duterte sa isang ambush interview sa Daraga, Albay. 

Ito’y matapos atakihin ng mag-amang Garin si PO3 Federico Macaya Jr. 

“So again, you could file charges. I will ask (Interior Secretary) General (Eduardo) Año to take a look bakit nagkaganun, investigate. But I will — I’m not urging him. I’m ordering him to file a case against the two. Iyong mag-ama ba ‘yun o bro — mag-ama, oo. Maski sino,” ayon pa kay Duterte. 

Idinagdag ni Duterte na dapat ilagay ang Iloilo sa Comelec control.

“At kung ganun rin, kagaya ng — nagkainitan rin doon. All we have to do is to ask ther Comelec to place you under Comelec control. Iyan ang problema diyan. And ‘yung carrying of firearms does not only apply here in Daraga or in Albay or Bicol, it applies to all places,” sabi pa ni Duterte.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang insidente, sa away sa pagitan ng dalawang menor-de-edad sa plaza noong Disyembre 22.

Nais ng mga Garin na kasuhan ang isa sa mga menor-de-edad, na anak ng isa sa mga konsehal. 

Read more...