‘Nakakainis na nakakaawa si Kim Chiu sa One Great Love!’
SAKALING mag-quit or mag-retire sa showbiz si Kim Chiu, gusto niyang sa Canada tumira kasama ang kanyang pamilya.
Very open ang Kapamilya actress sa posibilidad na manirahan sa ibang bansa kapag dumating na ang panahong wala na siyang trabaho sa showbiz. Aniya, napakabilis ng transition ngayon sa mundo ng pelikula at telebisyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Kim na kapag hindi na siya artista, nais niyang mag-migrate sa Canada.
Tumira roon si Kim ng three weeks at nagustuhan naman niya ang naging experience niya roon, “Parang ayoko na ngang umuwi.”
Samantala, showing na ngayon ang pelikula ni Kim na “One Great Love,” ang entry ng Regal Entertainment sa 2018 MMFF. Nagkaisa ang entertainment writers na nanood sa press screening sa pagsasabing malaki ang chance na maiuwi ni Kim ang Best Actress trophy sa Gabi ng Parangal na gaganapin tonight.
Ibang-ibang Kim Chiu ang napanood namin sa “One Great Love”, mas intense, mas daring at mas palaban. First time niyang gumanap na asawang nagloko kahit na sobrang bait at loyal ng kanyang mister.
Kasama ni Kim sa movie sina JC de Vera at Dennis Trillo, ang dalawang lalaki na magpapagulo sa buhay niya. Parehong may kissing scene at love scene si Kim sa dalawa niyang leading man at kayo na ang humusga kung kanino mas nag-enjoy ang girlfriend ni Xian Lim.
Habang tumatakbo ang kuwento, talagang maiinis at maba-bad trip ka sa karakter ni Kim dahil sa paniniwala niya sa “destiny” at “serendipity” kahit nagmumukha na siyang tanga.
Magagalit ka rin sa karakter ni JC na walang pakialam kung makasira man siya ng pamilya basta makuha lang niya ang babaeng ilang beses na niyang sinaktan. Maaawa ka naman kay Dennis sa pelikula dahil sa ginawang panloloko sa kanya ni Kim.
Siguradong makaka-relate sa “OGL” ang mga magkakaibigang nagkainlaban pero dumaan sa matitinding pagsubok.
Showing na sa mga sinehan ang “One Great Love” bilang bahagi nga ng MMFF 2018, sa direksyon ni Eric Quizon na siya ring gumanap na tatay ni Kim. Kasama rin sa movie sina Nina Dolino, Marlo Mortel at Miles Ocampo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.