MAIINIS ka kay Carl (JC de Vera), mamahalin mo si Ian (Dennis Trillo) at sasabihin mong gaga si Zyra (Kim Chiu).
‘Yan ang naramdaman namin ng napanood ang 2018 MMFF entry ng Regal Entertainment na “One Great Love” na idinerehe ni Eric Quizon.
Kung sanay tayong napapanood si Kim na nakabungisngis sa telebisyon, sa pelikulang ito ay talagang nag-level up ang dramatic acting ng “Chinita Princess.”
Therefore, we have that one great feel na malakas ang laban ni Kim for the Best Actress award as well as Dennis for the Best Actor trophy.
Naglista rin kami ng 12 hugot from this very good movie after watching it na kahit sinong nagmamahal could relate or learn from it.
1. Hindi laging tama na piliin ang “one great love” mo lalo na kung nakasisira na ito sayo.
2. Puso ang ginagamit sa pag-ibig at tadhana pero susuntukin ka ng isip para magising sa realidad.
3. May mga tao talagang biglang mawawala na lang tapos babalik kung kailan masaya ka na. ‘Yung tipong guguluhin ang isip mo kung sino ba talaga.
4. At may mga tao rin na laging nandiyan sayo mula simula; na matatakbuhan mo palagi, magsasakripisyo para sa’ yo kahit ikaw yung mali pero handa ka pa ring tanggapin at mahalin ng buong puso sa kabila ng mga nagawa mong kasalanan.
5. Great friendship is the best foundation of a long lasting relationship.
6. Cheating knows no gender. Everyone can be marupok.
7. Hindi ibig sabihin na kaya nagkita ulit kayo nang hindi sinasadya ng taong minahal mo nang sobra-sobra ay pwede pang maging kayo ulit.
8. Give love a second chance but never a third.
9. Magpapakatanga ka nang paulit-ulit sa ngalan ng pag-ibig.
10. Hindi madaling mag move-on. Walang timeline kung kelan ka makakalimot.
11. Hindi puro tungkol sa feelings at serendipity ang basehan ng one great love bagkus ang dakilang pag-ibig ay hindi nawawala, humihingi ng walang kapalit, hindi nananakit at higit sa lahat nagpapalaya.
12. Tama nga si Ate mong KZ na mahirap mamili kung sino, “mahal ko o mahal ako?” But siguro, let’s choose the one na hindi tayo iiwan at mamahalin tayo unconditionally.