Ayon sa ulat, ang mga banyaga ay nagbebenta ng mga produkto sa malls sa Baclaran nang walang kaukulang working permit.
Labing dalawa sa mga Chinese ay nahuli sa One Shopping Center habang ang siyam na iba pa ay naaresto sa Two Shopping Center.
Ayon kay BI acting intelligence chief Fortunato Manahan Jr., naghihintay na lamang ng deportation ang mga nabanggit na Tsino.
Ang operasyon aniya ay bunsod ng isang tip na mayroong mga dayuhan na nago-operate sa mga mall kahit walang working visas.
“Karamihan sa mga naaresto ay mayroon lamang tourist o temporary visitors visa, pero sinamantala ang holiday season upang makapagbenta ng kanilang produkto,” ayon sa opisyal.—Radyo
Inquirer