SAF trooper patay sa bundol

NASAWI ang isang miyembro ng PNP Special Action Force na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) nang mabundol ng sasakyan sa San Pedro City, Laguna, Martes.

Dead on arrival sa ospital si PO2 Paul Malucay, residente ng Mankayan, Benguet, at nakatalaga bilang bantay sa maximum security compound ng NBP, ayon sa ulat ng Laguna provincial police.

Naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng umaga, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Landayan.

Nakatayo si Malucay sa tapat ng isang karinderya sa gilid ng highway nang mabundol ng di pa mabatid na uri ng sasakyan, ayon sa ulat.

Sinubukan pa ng lokal na pulisya na matukoy at matunton ang sasakyan sa pamamagitan ng paghingi ng mga kuha ng CCTV ng mga kalapit na establisimyento.

Matatandaang nagtalaga ang PNP ng mga miyembro ng SAF sa iba-ibang bahagi ng Bilibid simula noong nakaraang taon para tumulong sa pagpigil sa mga sindikato ng drogang nago-operate umano sa loob ng bilangguan.

Read more...