DOH: 13 sugatan sa paputok mula Dec 21-25

ISANG linggo bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon, nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 13 kaso ng mga nabibiktima ng mga paputok.

Mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 25, sinabi ng DOH na 12 katao ang nasugatan, samantalang isa naman ang biktima ng “fireworks ingestion,” base sa Fireworks-Related Injury (FWRI) Surveillance report.

Idinagdag ng DOH na partikular na nakapagtala ng tig-tatatlong kaso ng mga naputukan sa National Capital Region, Region III, at Region VII; dalawa mula sa Region VI; at tig-iisa mula sa Region IX at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ng DOH na ang 11 biktima ay pawang mga lalaki na may edad dalawa hanggang 28 anyos.

READ NEXT
GMA-7 binomba
Read more...